Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 lalake na sugatan sa bangaan ng motorsiklo at tricycle sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue Team sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Phinland Drive, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos madamay sa banggaan ng tricycle at isa pang motorsiklo sa Phinland Drive, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, maghahating-gabi nitong Miyerkules.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang tinamong mga gasgas sa balikat, kamay at paa ng dalawang biktima na kinilalang sina Redan Alarcon at Jade Samulde.

Ayon sa mga tauhan ng barangay, nadamay ang dalawang biktima nang iwasan ng kasalubong na tricycle ang isa pang motorsiklo sa kabilang lane ng kalsada.

Dahil sa sobra umanong tulin ng tricycle, tumagilid ito nang biglang kabigin ng driver ang manibela.

Naipit ang angkas ng tricycle na si Jonathan Pablico na agad isinugod sa ospital ng mga tauhan ng barangay dahil sa tinamo nitong sugat sa paa.

“Duguan eh kasi tinawag ko nga ng rescue kaso nagaapura yung mga kasama nila binuhat din nila agad pinakarga ko na sa mobile ng brgy,” salaysay ni Lando Buisan, Brgy. Pasong Tamo Ex-o.

Nakaligtas naman ang driver ng tricycle na kinilalang si Dennis Dela Cruz dahil agad itong nakatalon.

Samantala, kitang kita naman sa kuha ng CCTV camera sa lugar kung gaano katulin ang takbo ng tricycle bago ito naaksidente.

Posibleng maharap sa kaso ang driver ng tricycle dahil sa nangyaring aksidente. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481