Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

VP Binay, pormal nang inimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee

$
0
0

FILE PHOTO: Vice President Jejomar Binay (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinadalhan na ngayong araw ng Senate Blue Ribbon Committee ng imbitasyon si Vice President Jejomar Binay upang humarap sa pagdinig kaugnay ng overpriced Makati City Hall II parking building.

Pirmado ito ni Senator Teofisto Guingona, chairman ng komite.

Ayon kay Guingona, sakaling dumalo si Binay sa pagdinig, bukod sa 22-storey Makati City Hall building ay inaasahang matatalakay din ang kontrobersiyal na hacienda sa Rosario, Batangas.

“There was a statement from the VP’s camp that kung yung mother committee ang mag-invite maaari silang pumunta.”

Pasado alas-9:30 ng umaga nang matanggap sa Office of the Vice President ang imbitasyon

Ayon kay Vice Presidential Spokesperson for Political Concerns at Cavite Governor na si Jonvic Remulla, nasa out of town ang pangalawang pangulo at sa pagbabalik nito sa weekend ay saka lamang mapag-uusapan ang imbitasyon.

Nagpahayag naman ng pagdududa ang anak ng bise presidente na si Senador Nancy Binay kung may pagkakaiba ito sa isasagawang pagdinig ng mother committee.

“Kasi base dun sa huling hearing parang mas lalong nagiging circus ‘yung hearing na ginagawa, so I don’t know kung it will be different kung mother committee na ‘yung hahawak ng hearing.”

Bukas, Huwebes, ay muli namang ipagpapatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-committee ukol sa isyung kinasasangkutan ni Vice President Binay.

Muli namang tiniyak ni Senador Guingona na makakaasa si Vice President Binay ng buong kortisiya oras na humarap ito sa senado sa November 6 upang marinig ang kanyang panig. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481