Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Korte Suprema, magdedesisyon na sa kaso ng JPEPA

$
0
0

FILE PHOTO: Supreme Court en Banc (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hindi na magdadaos ng oral arguments ang Korte Suprema sa mga petisyon laban sa kontrobersyal na Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).

Sa halip, pinagsusumite na lamang ng kani-kanilang memoranda ang mga partido sa kaso sa loob ng 45 araw.

Hinirang din ng korte bilang resource person sina retired Supreme Court Justice Florentino Feliciano at mga dating dean ng UP College of Law na sina Merlin Magallona at Raul Pangalangan.

Hinihingan ang mga ito ng korte ng kanilang opinyon sa isyu. Pagkatapos nito, magdedesisyon na ang korte kung pagbibigyan ang hiling na mapawalang-bisa ang naturang kasunduan.

Nilagdaan ang JPEPA noong September 2006 nina dating Pangulong Gloria Arroyo at Japanese Prime Minister Junichiro Koizumi at niratipikahan ng Senado noong 2008.

Ito ay isang kasunduan para sa pamumuhunan at malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ngunit kinuwestyon ito sa Korte Suprema dahil sa mga posibleng paglabag nito sa mga probisyon ng saligang-batas ng bansa, partikular ang karapatan sa kalusugan at sa maayos at balanseng kapaligiran.

Isa sa pangunahing isyu ng JPEPA ang posibilidad na i-export ng Japan sa Pilipinas ang kanilang mga toxic waste at hazardous material.

Sa ngayon ay dalawang petisyon ang nakabinbin sa Korte Suprema na humihiling na mapawalang bisa ang naturang kasunduan. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481