Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

5 pantalan sa bansa, mahigpit na binabantayan ng PCG

$
0
0

FILE PHOTO: Philippine Coast Guard Spokesperson Lt. Cmdr. Armand Balilo (UNTV News)

MANILA, Philippines – Limang pantalan sa bansa ang mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Ito ay ang mga pantalan sa Maynila, Iloilo, Batangas, Cebu, Zamboanga at Batangas.

Ayon kay PCG Spokesperson Armand Balilo, sa kanilang pagmomonitor ngayong araw ay inaasahang dadagsa ang mga pasahero sa Batangas Port.

Dagdag pa ni Balilo, mas marami ang umuwi sa ating mga kababayan noong nakaraang dalawang araw kaya kakaunti na lamang ang mga pasahero ngayong hapon sa mga pantalan ng Maynila.

Kaugnay nito, tiniyak rin ng PCG na walang overloading sa mga malalaking barko na umaalis sa mga pantalan dahil sa ticketing system.

Ngunit ang mahigpit nilang binabantayan ngayon ay ang mga maliliit na passenger vessel.

Magpapatuloy ang mahigpit na pagbabantay ng PCG hanggang sa susunod na linggo pagkauwi ng mga kababayan natin mula sa kanilang mga probinsya. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481