Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyo sa Labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), lalo pang lumakas at posibleng pumasok sa PAR sa mga susunod na oras

$
0
0

Direksyong tatahakin ni Tropical Storm “Nuri” o “Paeng” mula sa Joint Typhoon Warning Center.

(5pm update, 103114) - Lalo pang lumakas ang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, taglay ngayon ng bagyong may international name na “Nuri” ang lakas ng hangin na 65kph at may pagbugso na aabot sa 80kph.

Tinatahak nito ang direksyong pakanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 15kph.

Kaninang 4pm ay namataan ito ng PAGASA sa layong 1,255km sa Silangan ng Visayas.

Tinatayang ngayong gabi o bukas ng umaga ay papasok ang bagyo sa PAR at papangalanan itong “Paeng”.

Ayon sa weather agency, maliit ang tsansa na mag-landfall o tumama ito sa bansa dahil tatahakin nito ang direksyon patungong Japan.

Sa ngayon ay nakakaapekto na ang bagyo sa CALABARZON, Bicol maging sa Samar at Leyte area kung saan mararanasan ang mahina hanggang sa katamtamang pagulan.

Mahinang mga pagulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos dahil sa Amihan.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog.

SUNRISE            : 5.51AM

SUNSET            : 5.27PM

(REY PELAYO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481