Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

TESDA, ipinagmalaki ang mga presong nakatapos sa kursong I.T. sa loob ng Taguig City Jail

$
0
0

Ang ilan sa mga graduates ng BILIB I.T. ng TESDA.

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga preso sa Taguig City Jail na nakapagtapos ng kursong Information Technology (IT) ngayong Biyernes.

Sa ilalim ng BILIB I.T. Project na inilunsad ni TESDA Secretary Joey Villanueva, binibigyan ng pagkakataong makapag-aral ng Information Technology ang mga preso upang makahanap kaagad ng trabaho kapag sila ay nakalaya na.

Pinangunahan ang programa nina Senate Majority Leader Alan Cayetano, TESDA Director General Joel Villanueva, Taguig Mayor Lani Cayetano, Paranaque Councilor Alma Moreno, mga kawani ng Informatics at Local Government Unit ng Taguig.

Ipinagmalaki rin ni Secretary Villanueva ang proyekto at umaasang gagayahin ng ibang Local Government Units.

“Ngayon maipagmamalaki na namin na kapag kahit nasa Bilibid ka ay maaari kang magkaroon ng trabaho. Si Leo kanina binanggit sa Informatics na ang mga lumabas na ay lahat nagkaroon ng trabaho,” anang kalihim.

Ayon pa sa kalihim, ang proyektong ito’y kabilang sa adhikain ng ahensya na mapabuti ang buhay ng mga taong dating naligaw ng landas.

“TESDA is about jobs, it’s about transforming lives,” ani Villanueva.

Sa ibang bansa gaya sa Estados Unidos ay pinapayagan ang ilang preso na maging call center agent para sa non-sensitive products and services.

Iba-iba ang kurso sa BILIB I.T. Project gaya ng computer programming at web development design. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481