LEYTE, Philippines — Gugunitain naman ngayong buwan ng mga taga-Visayas ang unang taon ng pananalasa ng Bagyong Yolanda.
Sa November 8, aalalahanin ng mga biktima ng bagyo ang mapait na karanasan at ang ginawa nilang pagbangon matapos ang trahedya.
Ayon kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, tampok sa paggunita ang isang documentary film tungkol sa iniwang pinsala ng bagyo at ang mga leksyon na natutunan sa trahedya.
Ipapakita din sa documentary ang masamang epekto ng climate change kung hindi gagawa ng hakbang ang pamahalaan para maagapan. (UNTV News)