Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Undas, generally peaceful — PNP

$
0
0

Ang pagdiriwang ng ilan sa ating mga kababayan sa Undas nitong nakaraang Sabado at Linggo sa isang sementeryo sa Maynila. (Photoville International)

MANILA, Philippines – Nananatili pa ring nasa full alert status ang pwersa ng pambansang pulisya sa buong bansa, ito ay kahit natapos na ang Undas.

Ayon kay Senior Superintendent Robert Po, spokesman to the Office of the PNP Chief, kailangan pa ring bantayan ng mga otoridad ang mga bus terminal sa pagbabalik ng mga pasahero mula sa kani-kanilang lalawigan.

Sa ngayon ay mayroon pa ring mga road marshal upang alalayan ang dagsa ng mga motoristang bumibiyahe mula sa probinsya.

“Ang ating mga kapulisan ay andon pa sa mga bus terminals although sa mga sementeryo ay hindi na ganon karami, ang mga road at traffic marshals lalo na sa mga main thoroughfare ay andon pa rin,” anang opisyal.

Gayunman, sinabi ni Po na generally peaceful ang pagdiriwang ng Undas sa bansa dahil tatlong insidente lamang ng krimen ang naitala sa mga sementeryo ngayong taon, kumpara sa walo noong nakaraang taon.

“Ang unang insidente ay naitala sa Baliwag na nagsaksakan na magkaibigan, pangalawa ay sa Carmen Public Cemetery sa Bohol merong accidental discharge ng firearms, ang pangatlo ay isang pulis ang tinangkang agawan ng kanyang armalite.”

Idinagdag pa ni Po na bukas, Martes, ay posibleng ibaba na sa normal status ang alerto ng mga tauhan ng PNP, subalit depende pa rin ito sa assessment ng mga regional director sa mga lugar na kanilang nasasakupan. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481