Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

10 estero sa Metro Manila, hindi malinis ng MMDA dahil sa mga informal settlers

$
0
0
FILE IMAGE: Ang paglilinis ng estero na ginagawa ng MMDA (UNTV News)

FILE IMAGE: Ang paglilinis ng estero na ginagawa ng MMDA (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nahihirapan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na linisin ang 10 estero sa Metro Manila dahil sa mga informal settler sa lugar.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, hindi makapasok ang backhoe na kukuha sa tone-toneladang mga basura na nakatambak sa estero.

Ito rin aniya ang dahilan kaya madaling bahain ang ilang lugar sa Metro Manila.

Buwan ng Mayo nang umpisahan ng MMDA ang Estero Blitz Project na naglalayong linisin ang mahigit 200 mga estero sa buong Metro Manila.

Bukas ay magtatapos na ang proyekto subalit sampung estero ang maiiwang hindi nalinis dahil sa mga bahay na nakatirik sa mismong mga estero.

Kabilang dito ang Estero De Maypajo, Estero De Valencia, Estero De Quiapo, Estero De Sampaloc, Estero De Alix, Estero De Pandacan, Estero Sta.Clara, Estero De Magdalena, Estero De San Lazaro at Estero Dela Reina.

Ayon sa ulat ng DPWH at World Bank, underperforming na ang 30-year old na pumping stations na nakakalat sa Metro Manila kaya’t kailangan na itong ma-upgrade.

Sinabi ni Tolentino na malaking problema sa mga pumping station ay basura ang nahihigop sa halip na tubig kaya konting ulan lamang ay nagbabaha na.

“Kahit ma-clear ang drainage, nagbaback flow kasi hindi makatuloy yung tubig, pangatlo nagiging underperforming ang ating nga pumping station kasi wala ng mahigop na tubig, basura nahihigop nun so ito yung nagiging problema natin ngayon.”

Dagdag pa ni Tolentino, kahit ma-upgrade ang mga pumping station kung hindi naman makikipagtulungan ang publiko na iwasang magtapon ng basura kung saan-saan ay hindi pa rin mareresolba ang problema natin sa baha. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481