Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong “Paeng”, palabas na Philippine Area of Responsibility ngayong araw

$
0
0

 IMAGE_UNTV-News_NOV032014_PAGASA

 

(5am update: 11/04/14) – Palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Paeng” ngayong araw.

Kaninang 4am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 1,295km sa Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 195kph at pagbugso na aabot sa 230kph.

Tinatahak nito ang direksyong Hilagang-Silangan sa bilis na 15kph.

Sa pagtaya ng PAGASA, maulap ang papawirin ng Central Visayas at Mindanao na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na may thunderstorms.

Ang Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos Region ay makararanas naman ng papulo-pulong mahinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Matataas ang mga pag-alon sa Hilaga at Silangang baybayin ng Luzon at maging sa Silangang baybayin ng Visayas kaya’t babala ng PAGASA, mapanganib itong pagpalautan ng mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat.

SUNRISE: 5.52am

SUNSET: 5.26pm

(REY PELAYO  / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481