Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bagyong “Paeng”, nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility

$
0
0

 PAENG 11AM 111414 JPG FINAL

(11am update: 11/14/14) - Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Paeng”.

Sa final bulletin ng PAGASA, kaninang 10am ay namataas nito sa layong 1,372km sa Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 185kph at pagbugso na aabot naman sa 220kph.

Kumililos ito pahilaga Hilangang-Silangan sa bilis na 19kph patungong Silangan ng Japan.

Sa pagtaya ng PAGASA, maulap ang papawirin ng Central Visayas at Mindanao na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na may thunderstorms.

Ang Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos Region ay makararanas naman ng papulo-pulong mahinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Matataas ang mga pag-alon sa Hilaga at Silangang baybayin ng Luzon at maging sa Silangang baybayin ng Visayas kaya’t babala ng PAGASA, mapanganib itong pagpalautan ng mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat.

Sa ngayon ay wala namang nakikitang panibagong weather system ang PAGASA subalit patuloy paring mararamdaman Amihan na siyang magdudulot ng mas malamig na temperatura sa mga susunod na araw sa Luzon.

SUNRISE: 5.52

SUNSET: 5.26

(Rey Pelayo / UNTV NEWS)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481