Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOH Sec. Ona, pinagbakasyon muna ni Pres. Aquino

$
0
0

FILE PHOTO: Department of Health Secretary Enrique Ona (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinagbakasyon muna ni Pangulong Benigno Aquino III si Health Secretary Enrique Ona upang magkaroon ng sapat na panahon para sagutin ang mga tanong kaugnay sa vaccination program ng kagawaran.

Ayon sa pangulo may mga hinihingi siyang detalye sa kalihim kaugnay ng vaccination program.

“May mga kwestyon na umiiral dito sa immunization program ng ating kabataan na humihingi rin siya ng oras din para maihanda ang mga paliwanag kung ano ang mga assumptions, kung ilan ang target populations anong vaccination program, ang nakaskedyul, ano skedyul ng delivery etcetera so hindi niya mahahanda ito sa mga katanungan na ito na umiiral kung tinatatrabaho pa rin ang day to day functions as secretary of health,” saad ng Pangulo.

Hindi naman direktang sinagot ni Pangulong Aquino ang tanong kung may kaugnayan rin ang pagbabakasyon ng kalihim sa hinihingi nitong P600 million rehabilitation at renovation ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM).

“Yung pagpopondo dapat yung long term maraming threat ng pandemic kailangang ma-improve ang kalidad ng RITM di dapat ipapasok sa proposal na yan hindi pedeng ora-orada maghanap tayo ng P600 million lalo na nasa senado na ang budget.”

Sa tanong naman kung nananatili pa rin ang tiwala ng Pangulo sa kalihim, sagot ng Pangulo, “Whether or not I’m satisfied, will come after the results of this answers on the questions profounded to him.”

Una nang sinabi ni Usec. Janet Garin na pansamantalang magbabakasyon ang kalihim upang ipagamot ang allergy nito na nakuha niya sa pagpapakulay ng buhok.

Nakatakdang magbalik sa trabaho si Ona sa November 28. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481