Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2-3 bagyo, maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Nobyembre – PAGASA

$
0
0
Screen shot mull sa http://earth.nullschool.net

Screen shot mull sa http://earth.nullschool.net

 

(UNTV GEOWEATHER CENTER) Posible pang pumasok ang 2-3 bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Nobyembre.

Ito ang pahayag ng PAGASA pagkalabas sa PAR ng bagyong “Paeng”.

Ayon sa weather agency, sa ganitong panahon ay malaki rin ang tyansa na mag-landfall o tumama ang mga bagyong pumapasok sa PAR.

Noong November 8, 2013 ay sinalanta ng bagyong “Yolanda” ang bansa lalo na ang Visayas.

Mahigit sa 6 na libo ang namatay at halos P40B naman halaga ng pinsala.

Sa ngayon ay umiiral ang Amihan na siyang magdadala ng papulo-pulong pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region.

Apektado naman ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang Mindanao na siyang magdudulog ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Northern Mindanao at CARAGA gayun din sa Central Visayas at Leyte.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Mapanganib paring pagpalaotan ng mga sasakayang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat ang Silangang baybayin ng Hilaga at Gitnang Luzon. (Rey Pelayo / UNTV NEWS)

SUNRISE            : 5.52am

SUNSET            : 5.26pm

 

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481