Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Conduction stickers, hindi na kikilalanin ng LTO bilang temporary plate number

$
0
0

Halimbawa ng isang conduction sticker (UNTV News)

MANILA, Philippines – Batay sa imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO), lumalabas na inaabot ng dalawa hanggang anim na buwan bago mairehistro ng mga car dealer ang isang bagong biling sasakyan.

Ayon kay LTO Spokesperson Jason Salvador, pansamantala munang ginagamit ng mga car dealer ang mga conduction sticker bilang plate number.

Sa kasalukuyan ay kinikilala ng MMDA na lehitimong plate number ang conduction sticker kaya hindi hinuhuli ang mga sasakyang mayroon nito.

“We plan to take out the conduction stickers so that the dealers will be force not to release the vehicles to owners unless they are registered,” ani Salvador.

Ayon sa LTO, naaabuso ng mga car dealer ang paggamit ng conduction sticker upang ibinbin ang pagpaparehistro sa mga sasakyan.

“They are not really registered to begin with, we’ve learned that it takes the dealer a couple of months for somewhere two to six months to initially registered the vehicles, and that’s really a problem to the vehicle owner and if anything happens on the road and they are not properly registered then the vehicle owner will be on the loosing end,” paliwanag pa ni Salvador.

Kapag naisapinal, huhulihin na rin ng LTO ang lahat ng mga sasakyan na gumagamit ng conduction sticker.

Samantala, sinisi naman ng mga may-ari ng sasakyan ang mga car dealer dahil sa mabagal na proseso sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.

Ayon kay Jan Wilson, “Kasi po ‘pag pumupunta ako sa dealer parang hindi po nila inaasikaso, parang iniipon pa nila yung mga customer bago nila i-process yung pag-release sa plate namin.”

Depensa naman ng mga car dealer, natatagalan sila sa opisina ng LTO dahil kulang ang mga tauhan nito sa dami ng mga plakang kailangang i-release.

Ayon sa LTO, simula ngayong buwan ay pipilitin nila na matapos mairehistro ang isang bagong sasakyan at mai-release ang plaka sa loob ng pitong araw.

Magbabayad ng multang aabot ng P10,000 ang mga motoristang mahuhuli ngayong Nobyembre. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481