(5pm update: 11/15/14) – Maulap parin ang malaking bahagi ng Mindanao dahil sa epekto ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Sa forecast ng weather agency, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang katimugang bahagi ng bansa.
Umiiral din ang Amihan at magdudulot ng papulo-pulong mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos Region.
Isang Low Pressure Area naman ang nasa West Philippine Sea na magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Palawan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng bansa ay makararanas din ng papulo-pulong pag-ulan pagkidlat at pag-kulog.
Nagbabala din ang PAGASA sa matataas na pag-alon sa Silangang baybayin ng Northern at Central Luzon.
SUNRISE : 5.53am
SUNSET : 5.26pm
END