Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Litrato ng ASG na umano’y may hawak ng P250-M ransom, beberipikahin ng AFP

$
0
0

AFP Public Affairs Office Chief, Lt. Col. Harold Cabunoc (UNTV News)

MANILA, Philippines – Beberipikahin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang litrato ng Abu Sayyaf Group na naglabas ng umano’y P250-million ransom kapalit ng pagpapalaya sa dalawang German nationals na binihag ng bandidong grupo.

Noong nakaraang buwan ay humiling ang ASG ng P250-million na ransom kapalit ng paglaya ng German national na sina Stefan Okonek at Henrite Dielen.

Subalit mariing itinanggi ng pamahalaan na nagkaroon ng bayaran.

Sa litratong lumabas sa isang pahayagan kaninang umaga, makikita ang limpak-limpak na tig-iisang libong pisong papel na nakalagay sa isang malaking transparent plastic bag.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief, Lt. Col. Harold Cabunoc na kukumpirmahin nila kung totoo ang litratong inilabas ng Abu Sayyaf Group sa P250 million ransom.

Posible rin aniyang peke ang perang nasa litrato.

“Pwedeng peke. Yes, isang possibility yun. May malaking impact sa economy in Sulu, Basilan. Kung may pera na peke, epekto nun ay mga kababayan magkakaroon ng perang peke. Maging mapagmatyag.”

“Layunin ng ASG na ma-distract ang effort ng mga sundalo at pulis natin. Kasama sa propaganda at layuning aksyon sa panig ng ating pamahalaan.”

Dagdag pa ni Cabunoc, madali na lamang sa ngayon ang magpagawa ng pekeng pera.

“Kung may mare-recover in the coming days, iba-validate kung tunay ang pera at kung kasama sa pinapakita nila sa video, madali magpagawa ng pekeng pera. Di ako magko confirm ng yes or no, kung may ransom o wala hangga’t walang narerecover na pera,” giit nito.

Hindi naman inaalis ng AFP ang posibilidad na may naganap na backdoor negotiations ang ASG at isa pang partido na lingid sa kanilang kaalaman.

Ani Cabunoc, “Yung aming ginagawa tuloy-tuloy na law enforcement operations contributory sa release ng hostages. Kung nagkaroon ng backdoor na pag-uusap sa kanila, wala kaming kinalaman dito. Ginagawa lang namin ang aming mandato.”

“Kung may nagbayad sa kanila ng ransom, binigyan sila ng pekeng pera, kasinlaki ng P250 million. Posible, mga haka haka, mga posibilidad. We cannot ascertain kung nagkaroon ng bayaran.”

Sisikapin naman ng mga otoridad na makarecover ng nasabing pera upang maging ebidensya kung totoong nagkaroon nga ng bayaran. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481