MANILA, Philippines — Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) na gagamitin sa pagsasaayos at dagdag na mga pasilidad sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa.
Kabuuang P4.5 billion na pondo ng inilaan sa DepED para sa requirement of basic education facilities.
Mahigit isang bilyon sa kabuoang halaga ay gagamitin sa pagsasaayos ng mga silid aralan at konstruksyon ng mga water sanitation facility sa mga public school sa Regions 3,4A at 6.
Ayon kay Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad, malapit nang makumpleto ng administrasyon ang kakulangan ng mga kagamitan sa mga pampublikong eskwelahan na makatutulong upang lalong tumaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Matatandaang inaprubahan na din ng DBM ang mahigit 60-libong teaching positions upang tugunan ang kakulangan ng mga guro sa mga pampublikong eskwelahan. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)