MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-phase out sa mga lumang school service sa bansa.
Taong 2006, naglabas ng resolusyon ang ahensya na nagpapataw ng 15-year limit sa mga school bus at bus units subalit binawi rin ito nang sumunod na taon dahil sa apela ng mga operator.
Ayon sa LTFRB, ang panukalang pag-aalis sa mga lumang school service ay para na rin sa kapakanan ng mga mag-aaral.
“Isasaalang-alang po natin dapat ang safety ng ating mga estudyante,” pahayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez.
Sa kasalukuyan, sa mga pampasehrong bus, jeepney, UV express at taxi pa lang naipatutupad ng LTFRB ang age limit sa mga sasakyan. (Ley Ann Lugod & Ruth Navales, UNTV News)