UNTV GEOWEATHER CENTER: (5am update: 11/16/14) – Kasabay ng malamig na ihip ng Amihan, makararanas din ng papulo-pulong mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos Region.
Sa forecast ng PAGASA, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Hilagang Mindanao, CARAGA at Davao region dahil sa pag-iral ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog.
SUNRISE : 5.53am
SUNSET : 5.26pm
END