Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mayorya ng mayaman at mahirap sa Metro Manila, pinili si VP Binay bilang presidente sa 2016

$
0
0

GRAPHICS: Novo Trends PH Survey Result for VP Jejomar Binay (UNTV News)

MANILA, Philippines – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa mga isyung isinasangkot si Vice President Jejomar Binay.

Kabilang dito ang umano’y overpriced na Makati City Hall parking building at ang isyung pagmamay-ari umano ng bise presidente ang malawak na lupain sa Rosario, Batangas.

Sa kabila nito, nangunguna pa rin si Binay bilang kandidato sa pagka-presidente sa 2016 ayon sa bagong survey firm na Novo Trends PH.

Sa 1,600 na respondent sa Metro Manila, mayorya ng social classes ay pumabor kay Binay kumpara sa ibang pulitiko.

Pumangalawa lamang sa survey si Pangulong Aquino at pangatlo si Senator Grace Poe Llamanzares.

Ayon sa political analyst na si Ramon Casiple at co-convener ng Novo Trends PH, hindi masyadong nakaapekto sa pagbagsak ng rating ng bise presidente ang mga isyu na kanyang kinasasangkutan sa ngayon.

“Yung mga una may tama, itong mga sunod diminishing returns na eh makikita mo yan mismo sa Senado, pakonti nang pakonti ang uma-attend ng hearing na audience.”

Malayo naman sa survey ang isa sa mga maingay na pambato ng Liberal Party na si DILG Secretary Mar Roxas na nasa ikapitong pwesto.

Sinabi ni Casiple na hindi umano rumehistro sa mga botante ang performance ng kahilim.

“Sa mga sunod-sunod na okasyon, bumabagsak ang performance niya yun ang problema ang identification niya as a member of the elite,” paliwanag pa nito.

Samantala, nagpaalala naman ang mga eksperto sa mga botante na suriing mabuti ang kanilang kandidato at huwag ibase na lang sa survey ang kanilang ibobotong Pangulo sa 2016 elections. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481