MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasagawa ng metrowide drill upang maihanda ang mga residente ng Metro Manila sakaling tumama ang malakas na lindol.
Batay sa pag aaral ng mga dalubhasa, posibleng makaranas ang kalakhang Maynila ng 7.2 magnitude na lindol oras na gumalaw ang west valley fault.
Ang ganito kalakas na pagyanig ay maihahalintulad sa lindol na tumama sa Bohol noong October 2013.
Kabilang sa ginagawang paghahanda ng ahensya ay ang pagbili ng mga bagong gamit tulad ng mga sensor na magagamit sa search and rescue operations.
Umaasa ang MMDA na sa lalong madaling panahon ay maisagawa na ang metrowide earthquake drill sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan. (UNTV News)