Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 patay, 6 nawawala sa lumubog na barko sa Masbate

$
0
0
Ang lumubog na barkong  MV Lady of Carmel o Barko Masbateño na kuha noong April 04, 2013. (HANDOUT FILE PHOTO : Gov. Joey Salceda )

Ang lumubog na barkong MV Lady of Mount Carmel o Barko Masbateño na kuha noong April 04, 2013. (HANDOUT FILE PHOTO :  Albay Governor Joey Salceda )

MASBATE CITY, Philippines — Nasa 54 na pasahero ng lumubog na MV Lady of Mount Carmel sa Masbate ang nailigtas na ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, 6 na pasahero na lamang ang kasalukuyang pinaghahanap samantalang 2 ang kumpirmadong  nasawi.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Carlita Zeña, 50 anyos, residente ng bayan ng Baleno, Masbate at Erlinda Julbitado, 59 anyos, nakatira sa Pasig City.

Kabilang naman sa anim na nawawalang pasahero sina Abegail Barredo, Noan Manokan, Leticia Andaya, Arianne Comidor, Jonas Comidor, at Fe Rapsing.

Kasama din sa lumubog na barko ang dalawang bus ng Isarog Lines at isang truck.

Ayon sa PCG, karamihan sa mga pasahero ay pauwi na sana sa bayan ng Placer at sa bayan ng Baleno sa Masbate.

Ang mga nasagip na pasahero ay pansamatalang dinala sa bayan ng Aroroy Municipal Clinic upang ma-check up.

Sa ngayon ay katuwang na ng Coast Guard sa search and rescue operation ang BFAR vessel na MCS 3006, local government rescue boat at Bantay Dagat Aroroy at ilang Philippine Navy vessel. (Gerry Galicia & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481