Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ugnayan ng Saudi Arabia at Pilipinas laban sa ilegal na droga, pinalalakas pa

$
0
0

Si Col. Shaman Hamdan Alotaibi mula sa delegasyon ng General Directorate of
Narcotics Control o GDNC ng Kingdom of Saudi Arabia (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinalalakas pa ng Saudi Arabia at Pilipinas ang ugnayan nito laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ito’y matapos bumisita ang mga miyembro ng General Directorate of Narcotics Control (GDNC) ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa Philippine National Police-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF).

Ayon kay PNP-AIDSOTF Legal and Investigation Chief P/CInsp. Roque Merdegia, layon nito na mapaigting pa ang sharing of intelligence, information, drug interdiction operations at adbokasiya kontra droga.

“Nagiging problema na rin umano ng Kingdom of Saudi Arabia yung paglaganap ng ilegal na droga sa kanilang bansa, ito’y pagtutulungan sa pagitan ng dalawang gobyerno para malaman din nila kung paano nasasawata ng Philippine government yung illegal drugs,” saad nito.

Sinabi naman ng pinuno ng delegasyon na si Col. Shaman Hamdan Alotaibi na naniniwala sila na sa pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon ay malaki ang maitutulong nito sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

Hindi rin nakalimutan nito na magpasalamat sa magandang pagtanggap ng mga Pilipino sa kanila sa pamamagitan ng kanyang translator.

“We are really glad to be here to bond to our counter parts from the Philippines and we really enjoying our stay here for the hospitality and welcoming of the Filipinos,” pahayag nito.

Sa pamamagitan ng nasabing ugnayan, umaasa ang dalawang bansa na maiiwasan na ang paggamit ng mga sindikato sa mga OFW bilang drug courier patungo sa Saudi Arabia. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481