BORONGAN CITY, Philippines – Pinaulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang classroom sa Kalingatnan Elementary School sa Borongan City, Eastern Samar, Sabado ng madaling araw.
Nasawi sa insidente si PO1 Agerio Afable na in-charge sa pagbabantay ng mga PCOS machine sa nasabing paaralan.
Nasa kritikal naman na kalagayan si Glicerio Gema, isa sa mga barangay tanod na kasama ni Afable sa pagbabantay sa mga makina.
“According sa witness, isang bargy. tanod na nagsurvive… nagising siyang may bumabaril sa labas…”
“After ng putukan, may sinasabi in waray-waray vernacular na “waray mabantad” ibig sabihin walang gagalaw,” pahayag ni Police Senior Insp. Darwin Morallos, Team Leader, SOCO- PNP Regional Crime Lab. (UNTV News)