MANILA, Philippines — Nanalo bilang ikalawang song of the week sa buwan ng Mayo ang awiting “Sa Likod Ng Bughaw Na Langit” sa ginanap na A Song of Praise (ASOP) Music Festival, Linggo ng gabi.
Ang naturang papuring awit ay komposisyon ni Romeo Hadap na inawit naman ng theater artist na si Migs Ramirez.
“Salamat sa Panginoon dahil binigyan niya po kami uli ng pagkakataon na manalo. Ang papuri po ay sa Panginoon. Magtiwala lang tayo sa Panginoon at darating din ang panahon na ibibigay ni Lord ‘yung ating hinihiling,” pahayag ni Romeo.
Ayon naman kay Migs, “sobra akong excited pumunta dito. First time ko kasi talaga sumali sa contest na talagang televised pa and everything. Pero sobrang blessing ‘yung nangyari ngayong gabing ‘to na nagpapasalamat ako ang ganda ganda nung kanta.”
Samantala, labis namang na-enjoy ng theater icon at opera singer na si Robert Sena ang kanyang pagiging panauhing hurado ng ASOP.
Naikumpara pa nito ang kanyang magandang karanasan sa naturang programa.
“You know what, madalas akong nagja-judge, madalas ako nagiging hurado, mentor, but this is something else. It’s a new paradigm for us kasi bihira ‘tong ganito e. The songs are… it’s not boring at all. It’s a new kind of praise songs na everyone will really love and enjoy listening,” pahayag pa ni Robert.
Hanga rin ang singer sa iba’t ibang genre ng praise song na kanyang narinig sa ASOP na aniya’y napapanahon ang estilo at malaking tulong sa OPM industry.
“Palagay ko ito ‘yung hinuhubog sa atin ng Panginoon kasi it’s the new generation e. It’s a new generation kaya ‘yung mga composers natin hindi naman nila pinipilit mag-pop e. It’s their generation. Ganun lang talaga… doon tinatahi, inihahatid ang OPM ngayon. It’s nice. Sana nga… ang dream ko sana umabot sa mainstream,” pahayag pa ng singer. (Mirasol Abogadil & Ruth Navales, UNTV News)