MANILA, Philippines — Pinauwi na ng Taiwan ang kanilang envoy sa Pilipinas na si Raymond Wang kasunod ng pagkakapatay sa isa nitong mangingisda sa engkwentro sa isang patrol vessel ng Pilipinas noong isang linggo.
Nagpalabas na rin ang taiwan ng “red” travel alert na humihikayat sa mga Taiwanese na huwag nang bumiyahe sa Pilipinas.
Una nang ipinatigil ni Taiwan President Ma Ying-Jeou ang pagtanggap ng overseas Filipino workers (OFW) sa bansa bilang protesta kasunod ng nangyaring insidente.
Sa kasalukuyan ay mayroong 88-libong Filipino migrant worker sa Taiwan na karamihan ay nasa manufacturing sector.
Kaugnay nito sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinaghahandaan na nila ang Korea at ang Middle East na maaring puntahan ng mga overseas Filipino worker. (UNTV News)