MANILA, Philippines – Ipinagdiriwang ngayong araw ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang ika-78 anibersaryo na may temang “Makabagong NBI Tungo sa Katotohanan at Katarungan”.
Ayon kay NBI Director Atty. Virgilio Mendez, patuloy silang magsasagawa ng mga programa upang mapagsilbihan nang maayos ang ating mga kababayan.
Sa kanilang programa, ipinagmalaki ng ahensya ang mga kasong hinawakan nito, kabilang na ang Atimonan shootout case; Sabah incident; Balintang Channel shooting case; rice smuggling na kinasasangkutan ng isang David Tan; Andrea Rosal capture; Jovito Palparan capture; Cedric Lee & Zimmer Raz capture; death victim identification ng mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Tacloban, at ang imbestigasyon sa pork barrel fund ng ilang mambabatas.
Ang NBI na itinatag noong November 13, 1936 ay lead investigative arm ng pamahalaan at attached agency ng Department of Justice (DOJ). (UNTV News)