Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

KILUS Magniniyog, nagbanta ng hunger strike kung hindi sila haharapin ng Pangulo

$
0
0

Ang Kilusan para sa Ugnayan ng mga Samahang Magniniyog o KILUS Magniniyog sa pangunguna ng lead convenor nito na si Ginoong Ed Mora. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Bago dumiretso sa Malakanyang ay magtutungo muna ng senado at kongreso ang 71 coconut farmers na nagmartsa sa oras na makarating ng Metro Manila.

Nais ng Kilusan para sa Ugnayan ng mga Samahang Magniniyog (KILUS Magniniyog) na makaharap ang mga mambabatas na sumusuporta sa inihaing initiative bill ng coco farmers upang magamit na ang P71 billion na Coco Levy Fund.

Matapos ang pakikipag-ugnayan sa mga kongresista at senador ay saka magtutungo ng Palasyo ang grupo.

Dito tatangkain nilang makaharap ang presidente at hindi ang mga miyembro lang ng kaniyang gabinete.

“Mas makukumpleto lamang ang aming kasiyahan kung mismong pangulo ng Pilipinas ang makaharap namin para sa isyu ng Coco Levy,” pahayag ni Ed Mora, Lead Convenor ng KILUS Magniniyog.

Sa ngayon ay wala pang nakukuhang katiyakan ang mga nagmamartsang magniniyog kung haharapin sila ng pangulo.

Subalit nagbanta ang grupo na gagawa sila ng mas mabigat na hakbang upang mapilit ang pangulo na sila ay kausapin.

Ayon kay Mora, “Iba’t ibang form na yan pwede hunger strike o pwede rin isang malakihang pagkilos yung malakihang pagkilos na pupunta sa Malakanyang pwede rin yun o di kaya mag-camp out kami sa harap ng Mendiola na nakaharap sa Malakanyang isa ring pamamaraaan yun.”

Samantala, isang Facebook account din ang inilunsad ng grupo upang makakuha ng dagdag na suporta ang KM71 marchers.

Ayon kay Mora, dito makikita at mababasa ang update sa paglalakbay ng mga coconut farmers.

“Ang aming paglalakad ay hindi lamang para sa 71 farmers na makikinabang dito. Ang makikinabang po dito ay 3.5 million na magniniyog sa 68 provinces sa buong Pilipinas, yun po ang makikinabang sapagkat ang gusto po natin ay coconut industry sa buong magsasaka particular sa maliliit na magniniyog kaya ang panawagan namin ay suportahan po ninyo kami.” (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481