Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Southern Luzon, Apektado ng Tail-end of a cold front

$
0
0

 

satellite image from PAGASA

satellite image from PAGASA

UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 11/14/14) – Umiiral parin ang Tail-end of a cold front na siyang nakaaapekto sa katimugang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, magdudulot ito ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Bicol, Marinduque, Romblon, Quezon at Eastern Visayas.

Ang Amihan naman ay magdudulog ng papulo-pulong mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region kasama na ang nalalabing bahagi ng Central Luzon maging ang Metro Manila.

Sa iba pang bahagi naman ng bansa ay makararanas ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Matataas ang mga pag-alon sa Hilaga at Silangang baybayin ng Northern Luzon gayun din sa Silangang baybayin ng Central Luzon kaya’t pinapayuhan ang mga may sasakyang pangisda at maliliit na sasayak pandagat na huwag munang pumalaot. (Rey Pelayo / UNTV News)

SUNRISE            : 5.56am

SUNSET            : 5.24pm

END


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481