Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

VP Binay, nagpaabot ng paumanhin sa KBP

$
0
0

Si Vice President Jejomar Binay sa paghingi nito ng paumanhin sa Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas nitong Huwebes, Nobyembre 13, 2014 dahil sa pag-atras nito sa debate. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pormal nang humingi ng tawad si Vice President Jejomar Binay sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas sa pag-atras nito sa kanilang debate ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sa isang pagtitipon na dinaluhan ng mga opisyal ng KBP sa Tagaytay City umaga ng Huwebes, muling binigyang diin ng bise presidente na ginawa lamang niya ito upang hindi magmukhang inaapi ang senador.

“This is a formal apology to the member of KBP, I know that you are prepared for this pero ganun talaga ang nangyare. Sorry, ‘di na talaga matutuloy ang harapan. Again, my apologies. ‘Wag kayong mag-aalala, minsan masakit din ginagawa ko ito trabaho,” saad ni VP Binay.

Samantala, sinabi naman ng tagapagsalita ni Binay na si Cavite Governor Jonvic Remulla na hindi na dapat patagalin pa ang imbestigasyon ng senado sa mga umano’y maanomalyang proyekto sa Makati City ng pamilya Binay.

Ayon kay Remulla, pagsasayang lamang ng pondo ng pamahalaan ang pagpapalawig sa ginagawang pagsisiyasat sa pangalawang pangulo.

“Di ba’t dapat andami nating matulungan sa 50 million a day, andami nating bahay na dapat tulungan.”

“Dun kami nagtataka kung 50 millions a day ang ginagastos nila para lang mag-operate at mag-imbestiga, sana gumawa na lang sila ng bahay sa Tacloban sa Guian.”

Nagpaliwanag din ang kampo ng bise presidente tungkol sa umano’y partisipasyon ng bise presidente sa mga armas sa loob ng Makati City Hall noong Oakwood mutiny, noong siya mayor pa lamang ng Makati.

“Ang pagkaalam ko nun, pwersahan silang umakyat mahabng baril dala nila, wala they ask him to participate but they declined,” saad pa ni Remulla. (Sherwin Culubong / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481