MANILA, Philippines – Inihayag ng Malacañang na hindi na dapat mahalungkat pa ang usapin sa Disbursement Acceleration Program o DAP sa isinasagawang imbestigasyon ng senado kaugnay ng umano’y overpriced na Iloilo Convention Center (ICC).
Ito ay kahit na inilaan ni Senate President Franklin Drilon ang kanyang P100-million DAP funds sa pagtatayo ng naturang proyekto.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala silang nakikitang problema sa naging proseso ng pagtatayo ng ICC.
“Your beating a dead horse that’s issue long been settled, ang question sino ba nagnakaw e maayos ang proseso, the bidding is accordance to the rules so ano pa ang problema ng mga tao dyan, ano pa ang problema ni Mr. Mejorada kundi ang kaniyang conflict with Senator Drilon.”
Hindi rin nababahala ang Malacañang sa posibilidad na masira ang transparency policy ng administrasyong Aquino dahil sa pagkasangkot ng ilang miyembro ng gabinete sa naturang isyu.
“Why is there inconsistency on the transparency and accountability platform of the government and Senator Franklin Drilon is very confident as well as the two secretaries who’ve testified already that the bidding process is above board,” dagdag ni Lacierda.
Samantala, umaaasa naman ang Malakanyang na hindi mapababayaan ng senado ang pagpapasa ng panukalang budget para sa 2015 kahit sunud-sunod pa ang isinasagawang imbestigasyon nito. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)