MANILA, Philippines – Tatlong tulog na lamang at magsisimula na ang mga kapanapanabik na aksyon ng UNTV Cup Season 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sisimulan na rin ang pagtatanggol sa korona ng AFP Cavaliers laban sa 10 koponan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang makamit ang mahigit sa isang milyong pisong premyo para sa kanilang chosen beneficiary.
Ang mga bagong team na sasabak sa limang buwang liga ay ang GSIS Furies, NHA Builders at BFP Firefighters.
Ilan sa kilalang public servant na maglalaro sa season 3 ng UNTV Cup ay sina Senators Sonny Angara at Bam Aquino, Congressman Niel Tupas Jr., TESDA Secretary Joel Villanueva at San Juan Vice Mayor Francis Zamora.
Ang natatanging charity basketball tournament ay konsepto ng nag-iisang Mr. Public Service Kuya Daniel Razon na ngayon ay nasa ikatlong taon na at tumutulong sa mga nangangailangan sa iba’t ibang panig ng bansa. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)