Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dating kongresista, sinampahan ng reklamong malversation of public funds sa Ombudsman

$
0
0

Former Ating Koop Partylist Representative Isidro Lico (Photo Credits: House of Representatives)

MANILA, Philippines – Sinampahan ng reklamo ng kanyang mga dating kasamahan si dating Ating Koop Partylist Representative Isidro Lico sa Office of the Ombudsman ngayong Martes.

Malversation of public funds at paglabag sa Anti-Corruption Practices Act ang isinampang reklamo laban kay Lico.

Ayon sa grupo, nalaman nila ang umano’y katiwalian ng kongresista noong nakaraang taon nang lumabas ang pangalan nito sa isang pahayagan tungkol sa mga mambabatas na umano’y sangkot sa pork barrel scam.

Agad nilang inimbestigahan ang alegasyon at napagalamang may mahigit P15 million na PDAF si Lico na inilagay sa mga umano’y pekeng NGO ng isang Godofredo Roque.

“Tulad ng Muslim Foundation na hindi naman namin kinikilala at hindi sa sektor ng kooperatiba. So iyon ay tahasang paglabag sa panloob naming batas na aming adhikain,” saad ni Federico Pineda Jr., isa sa mga complainant.

Natuklasan din ng grupo na gumamit umano ang mambabatas ng mahigit P70 million na pondo mula sa kanilang kooperatiba upang ipambili ng sariling kotse at ilang ari-arian.

Naka-attach sa kanilang formal complaint na isinumete ngayong araw ang mga pay slip ni Lico na nagpapatunay na tumatanggap lamang ito ng mahigit P52-libo bawat buwan na sweldo, kulang upang bayaran ang monthly amortization sa kotse na aabot sa mahigit P96,000 kada buwan.

Base sa kanilang imbestigasyon, kumukupit umano sa pondo ng kanilang partylist si Lico upang ipangdagdag sa monthly amortization ng lupa at kotse.

“Hindi ba tahasang paglabag iyan sa karapatan ng ating kasapian na dapat ay ginagamit iyon sa livelihood,” saad pa ni Pineda.

Dagdag pa ng mga ito, kwestyunable din ng ilan sa ari-arian ni Lico dahil hindi umano nakadeklara sa Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN ng kongresista.

Dahil sa mga natuklasang katiwalian, tinanggal nila bilang miyembro si Lico at sinampahan ng reklamo sa Ombudsman. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481