Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Magandang epekto ng mga proyekto ng pamahalaan sa paglutas sa mga pagbaha sa Metro Manila, tatagal pa ng ilang taon – Malacañan

$
0
0
Ang kahabaan ng España Boulevard na lumubog sa baha nitong Huwebes ng hapon dahil sa pag-ulan. (SOPHIYA BALUYOT / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang bahagin ito ng España Boulevard na lumubog sa baha nitong Huwebes ng hapon dahil sa pag-ulan. (SOPHIYA BALUYOT / Photoville International)

MANILA, Philippines — Nakalatag na ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inaasahang lulutas sa problema ng pagbaha sa kalakhang Maynila ayon sa Malakanyang.

Nasa ilalim ito ng master plan flood control project ng DPWH na nagkakahalaga ng P352 billion.

Pero ayon kay Presidential Communications Development & Strategic Planning Office (PCDSPO) Sec. Ricky Carandang, aabutin pa ng ilang taon bago maramdaman ng taumbayan ang magandang epekto ng kanilang proyekto kaugnay ng paglutas sa mga pagbaha partikular sa Metro Manila.

Kasunod ito ng naranasang mga pagbaha sa malaking bahagi ng National Capital Region (NCR) na naging dahilan rin ng matinding daloy ng trapiko sa mga lansangan ng Metro Manila.

Ayon kay Carandang, kabilang sa plano ng pamahalaan ang relokasyon sa may 20-libong pamilya na naninirahan sa mga estero sa Metro Manila.

Kinakailangang ilikas ang nasa 100-libong informal settler upang maisakatuparan ang master plan ng DPWH.

Wala naman daw dapat ipangamba ang mga mare-relocate na pamilya dahil bibigyan sila ng matitirhan ng gobyerno.

“Syempre hindi mu pwedeng basta-basta iitsapwera ang mga informal settlers, you have to provide them alternate housing and if you have to move them away from their locations were there working you need to find them some livelihood.”

Ayon pa kay Carandang, may mga hakbang nang ginagawa ang MMDA at DPWH at isa na dito ang paglilinis ng mga estero.

Sa kabila nito, kinakailangan pa rin aniya ang tulong at suporta ng publiko upang malunasan o mabawasan ang mga pagbaha sa kanilang mga lugar. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481