Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga mahihirap na Pilipino, maaaring mag-avail ng Philhealth benefits simula ngayong Agosto

$
0
0
FILE PHOTO: Sa loob ng isang tanggapan ng Philhealth. (UNTV News)

FILE PHOTO: Sa loob ng isang tanggapan ng Philhealth. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Simula ngayong buwan ng Agosto, maaari nang mag-avail ang ating mga mahihirap na kasangbahay ng libreng medical service.

Sa ilalim ng nilagdaang National Health Insurance Act, may Philhealth coverage na ang lahat ng mga Pilipino kabilang ang indigents at mga taong may kapansanan na walang kakayahang magbayad ng kontribusyon.

Maging ang mga kabilang sa listahan ng mga mahihirap na pamilya ng Department of Social Welfare and Development ay awtomatiko nang miyembro ng Philhealth sa ilalim ng National Health Insurance Program.

Ayon sa Department of Health, kapag naipatupad na ang health insurance act sa susunod na buwan, hindi na maaaring idahilan ng ating mga kababayan ang kahirapan upang hindi ipatingin ang kanilang karamdaman.

Maaaring magtungo sa mga Philhealth-accredited at pampublikong ospital para magpatingin ang ating mga mahihirap na kasangbahay; at kung sisingilin, ay maaari siyang maghain ng reklamo o humingi ng direct claim sa Philhealth. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481