UNTV GEOWEATHER CENTER (5am, 11/19/14) – Easterlies o hangin na galing sa dagat pasipiko ang magdadala ng thunderstorms sa Silangang bahagi ng bansa.
Wala namang nakikita ang PAGASA na panibagong sirkulasyon o LPA na makakaapekto sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa weather agency, dahil naman sa Amihan ay makararanas ng papulo-pulong mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region.
Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas naman ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog lalo na sa Aurora, Quezon, Bicol, Samar, Leyte, CARAGA at Silangan ng Davao.
Mapanganib namang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Northern coast ng Cagayan at Ilocos Provinces, La union at Pangasinan. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE: 5.58am
SUNSET: 5.24pm
END