Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Hinihinalang kaso ng Chikungunya sa Sta. Elena, Camarines Norte, halos 500 na

$
0
0
FILE PHOTO: Ang paa ng isang taong may Chikungunya na hinihinalang mula sa mga lamok na Aedes aegypti na may dala rin ng dengue virus. (CREDITS: NSAA / US Department of Agriculture / Wikipedia)

FILE PHOTO: Ang paa ng isang taong may Chikungunya na hinihinalang mula sa mga lamok na Aedes aegypti na may dala rin ng dengue virus. (CREDITS: NSAA / US Department of Agriculture / Wikipedia)

CAM. NORTE, Philippines – Nangangamba ang lokal na pamahalaan ng Santa Elena sa Camarines Norte sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng Chikungunya sa kanilang lugar.

Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office (PHO), umaabot na sa 500 ang kinakitaan ng sintomas ng Chikungunya gaya ng mataas na lagnat, pananakit ng katawan at kasu-kasuan at pamamantal sa katawan.

Ang sakit na Chikungunya ay mula sa kagat ng lamok na carrier ng virus at may sintomas na kahalintulad din ng sakit na dengue.

“Sa ngayon “suspect” po ang ginagamit ko dahil wala pa pong test although nagpadala na ang DOH ng kit para sa serology test, kaya po meron na silang tulong na ganyan,” pahayag ni Dr. Ruth Porto, Municipal Health Officer sa bayan ng Sta. Elena.

Kabilang sa mga hinihinalang nabiktima ng sakit ay pawang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Santa Elena habang ang iba naman ay mga health worker.

Bilang pangontra sa sakit, namigay na ng mga bitamina sa mga residente ang Local Government Units (LGU’s) pati na ng mga kulambo at kurtina na itinubog sa victrom solution kontra lamok.

“Controlled naman sya, masyado lang imported kaya masyado alarming tsaka first time nung ibang marinig ang Chikungunya,” pahayag ni Myrna Rojas, Provincial Health Officer. (Liezl Sanchez / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481