MANILA, Philippines – Walang matatanggap na benepisyo ang mga kawani ng pamahalaan ngayong Disyembre maliban sa performance-based bonus at 13th month pay.
Ayon sa Malacañang, walang “special gifts” na maaaring asahan ang mga government employee ngayong Disyembre dahil hindi ito kasama sa budget allocation.
“Wala kaming ibang nalalaman na bagong benepisyo o karagdagang quote unquote special gifts dahil ang pwede lang nating pagusapan ay yung mga meron nag nakalaan na appropriation at meron nang pondo na pwede nang ipagkaloob,” pahayag ni PCOO Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. (UNTV News)