MANILA, Philippines – Tiniyak ngayon ng Department of Health (DOH) na nasa maayos nang kalagayan ang isa sa mga peacekeeper na nagkaroon ng sore throat.
Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, sa kasalukyan ay tapos na ang isinasagawang obserbasyon sa naturang sundalo dahil hindi naman ito kinakitaan ng sintomas ng Ebola virus.
Dagdag pa nito, nakabalik na ito sa grupo ng mga sundalo at kailangan na lamang na kumpletuhin ang mga gamot na kanyang iniinom. (UNTV News)