Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Modernong library, binuksan sa Batangas

$
0
0

Ang bagong modernong library na binuksan ng De La Salle University (DLSU) sa Lipa, Batangas. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ang mga gadget at internet ang isa sa mga sinasabing dahilan kung bakit dumadalang ang mga mag-aaral na nagpupunta sa mga silid-aklatan o library.

Dahil sa mga modernong teklohiya, mas mabilis na ang pagre-research ng mga estudyante na kanilang kailangan sa pag-aaral.

Kayat upang maakit ang mga mag-aaral, isang modernong library ang binuksan ng De La Salle University (DLSU) sa Lipa, Batangas.

Maaring magdala rito ng cellphone ang mga estudyante at lalong hindi ipinagbabawal ang pag-uusap.

“Iba na kasi trend ngayon, it is really to support the 21st century learners na hindi na yung “pshht” na very traditional nowadays,” saad ni Lilian Rabino, Chief Librarian.

“That’s what we are trying to change the library now becomes social hub, if you notice we have group discussions room and we have internet station. Since we started putting this library we are seeing more student seeing it than we were before,” pahayag naman ni Bro. Joaquin Martinez, President & Chancellor.

Nakadisplay sa palibot ng library ang mga sculpture at mga art painting na donasyon ng mga Filipino artist sa buong Pilipinas.

Pinarangalan ng unibersidad ang mga artist dahil sa kanilang ambag para sa pagaaral ng mga estudyante.

Ayon sa Pinoy painter na si Lino Cacasio, “Kapag nakita nila hahanga sila dahil di naman nila kayang gawin kapag na-appreciate nila pwede silang matuto.”

“Parang nahihikayat kami na pumunta dito kasi mas nai-inspire kami na mas magaral,” saad naman ng estudyante na si Jennifer Torres.

Bukas sa lahat ng estudyante sa Batangas ang bagong library magdala lang ng referral letter mula sa mga librarian ng kanilang eskwelahan.

Naniniwala ang pamunuan ng unibersidad na dahil sa mga likhang sining na nasa kanilang silid-aklatan ay lalong mahihikayat ang kanilang mga mag-aaral na bumisita sa kanilang mga library. (Sherwin Culubong / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481