UNTV GEOWEATHER CENTER ( 5am, 11/21/14) – Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mga probinsya ng Aurora, Quezon, Camarines, Albay, Sorsogon dahil sa Epekto ng Tail-end of a Cold front.
Sa forecast din ng PAGASA, papulo-pulong mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Ilocos at Cordillera region dahil naman sa pag-iral ng Amihan.
Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas din ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog.
Mapanganib paring pumalaot sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Northern Coast ng Cagayan at Northern Coast ng Ilocos Norte dahil sa taas ng pag-along maaaring umabot sa 4.5 meters. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE : 5.59am
SUNSET : 5.23pm
END