Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

AFP, nakikipag-ugnayan sa ibang military forces ukol sa Pinoy na kasama umano sa ISIS

$
0
0

PHOTO COURTESY: Daily Mail Online

MANILA, Philippines – Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naalarma sila nang lumabas sa isang news website sa United Kingdom (UK) at iba pang websites na mga larawan at video na tinukoy umano ng mga sundalong Kurdish na kasama ng mga ISIS fighter sa kanilang pamamaslang ang isang Pilipinong jihadist noong Miyerkules.

Subalit ayon sa AFP, hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na ulat na magpapatunay kung Pilipino nga ang ipinakita sa video at larawan na nailathala na sa internet.

Bagama’t hindi maikakaila na may Asian facial features ang isa sa mga kasama ng mga ISIS fighter.

“Walang nakarating na ulat sa ating opisina kung ano ba talaga ang kaniyang katauhan, kasi sabi ko nga he could be any citizen of an East Asian country dahil Malay race,” pahayag ni Lt. Col. Harold Cabunoc, hepe ng AFP-PAO.

Dagdag pa ni Cabunoc, isang paraan upang makakuha sila ng impormasyon ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa military forces ng ibang bansa sa Asya tulad ng Indonesia at Malaysia.

“Ang masasabi ko lang we have close coordinations with different armed forces, mayroon tayong magandang relasyon with them.”

Dagdag pa ni Cabunoc, wala ring natatanggap na tawag o feed back ang AFP sa sinoman na nagsasabing kamag-anak o kakilala nila ang nalathalang larawan at video ng umano’y Pilipino jihadist.

Patuloy namang nananawagan ang AFP sa mga kababayang Muslim na huwag suportahan ang marahas at hindi makataong gawain ng mga ISIS fighter. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481