Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Senado, inaprubahan na ang P3-B budget para sa libreng public Wi-Fi sa bansa

$
0
0

Image credits: Wikipedia and Google Maps

MANILA, Philippines – Aprubado na ng senado ang tatlong bilyong pisong budget para sa libreng public Wi-Fi sa bansa.

Sa ilalim ng senate version ng 2015 national budget, inaprubahan ng Senate Committee on Finance na taasan ang budget ng DOST na P3-billion mula sa P338 million para sa Wi-Fi program nito.

Layunin nito na makatulong sa pagpapaunlad ng edukasyon, pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka at traders.

Sa kasalukuyan ay nasa 50, 872 Wi-Fi spots ang inisyal na ilalagay ng DOST sa iba’t ibang lugar sa bansa sa susunod na taon.

Kabilang na rito ang mga public high schools, elementary schools, state colleges, public libraries, public spaces at mga bayan. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481