Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Status updates sa mga social networking site, maaaring ikapahamak — PNP

$
0
0
Credits: Facebook

Credits: Facebook

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ngayon ng pambansang pulisya ang publiko sa pagpo-post ng mga larawang nagpapakita ng kanilang karangyaan sa buhay.

Sinabi ni PNP- Anti-kidnapping Group Chief of Staff P/SSupt. Rene Aspera na ginagamit na rin ngayon ng mga kidnap for ransom syndicate ang social media upang maghanap ng bibiktimahin.

Mula sa dating pagmamanman, nag-level up na rin ang paraan ng mga sindikato sa kanilang operasyon.

Sa ngayon ay nakatutok na rin ang mga criminal sa Facebook, Instagram at iba pang social networking sites.

“For law enforcement agency, payo namin ay limitahan ang paggamit nyan at wag exposed kung ano ang meron ka para di nila makita ang identity mo,” payo ni Aspera.

Ayon pa sa opisyal, batay sa kanilang record, hindi bababa sa limang kaso ng kidnapping ang kanilang naitatala kung saan ginamit ng mga kriminal ang Facebook upang makapambiktima.

Kaugnay nito, pinaghihinay-hinay rin ng mga awtoridad ang publiko sa paggamit ng social media o magtakda ng limitasyon sa pagpo-post ng mga larawan at iba pang mensahe na maaaring maging daan upang magkaroon ng pagkakataon ang mga kidnap for ransom group na umatake.

“Wag masyadong ipa-pattern yung ating ginagawa sa araw-araw na activities natin, kung maaari palagi tayong magemploy ng guard sa ating bahay,” pahayag pa ni Aspera. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481