Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

De Lima, umapela sa publiko at mga awtoridad na magtulungan upang maaresto ang iba pang akusado sa Maguindanao massacre case

$
0
0

FILE PHOTO: Department of Justice Secretary Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines – Umaabot sa 197 ang kabuoang bilang ng mga akusado sa karumaldumal na Maguindanao massacre noong 2009, ngunit umaba ito sa 194 dahil pinayagan ang tatlo sa mga ito na maging state witness sa kaso.

77 dito ang nagsumite ng petition for bail kabilang na ang 41 police officers.

Sa nasabing bilang ng mga akusado, labinwalo ang mula sa pamilya Ampatuan.

Walo sa mga ito ang nahuli at siyam naman ang nanatiling fugitive na sina Canor, Balarin, Mama, Zaldy Jr., Harris, Morhin, Norrodin Norge, Kajji Ammar at Mohammad Ampatuan.

69 naman sa mga akusado ay mga sundalo at pulis, limamput pito sa mga ito ang nahuli habang labindalawa ang nanatiling nagtatago sa batas.

Kaugnay nito ay umapela si DOJ Secretary Leila De Lima sa publiko lalo na sa mga awtoridad na magtulungan upang mahuli ang mga ito sa lalong madaling panahon.

“Please remember their names especially if you are police officers or law enforcement agent they continue to talk the state their ability to evade arrest and prosecution having been charged for the complicity of the Ampatuan massacre their dejection and immediate arrest is for intents and matter of national security.”

Samantala, sinabi pa ni De Lima na inaasahan sa mga susunod na araw ay magpipresenta sila ng mga bagong testigo.

Tiniyak naman ng kalihim na hindi siya bibitiw sa kaso hanggang makamit ang katarungan para sa limampu’t walong biktima ng malagim na krimen.

“Hindi po ako pwedeng mag-give up, never akong mag-give up sa laban na ito kahit nagkakaproblema paminsan-minsan nababalitaan naman ninyo siguro may mga nagiging problema sa paghahandle ng kaso, hindi po ako papayag, kaya nga ako na since two three weeks ako na ang nagtake-over to personally oversee the handling of the case para masiguro nga po para masiguro natin na tama ang kalalabasan na mayroong tamang verdict ang aasahan nating lahat,” saad pa ng kalihim. (Dante Amento / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481