Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Presyo ng tinapay, posibleng tumaas kapag naaprubahan ang panukalang 20% safeguard tariff

$
0
0
FILE PHOTO: Pandesal (MARK OLIVER SANTILLAN / Photoville International)

FILE PHOTO: Pandesal (MARK OLIVER SANTILLAN / Photoville International)

MANILA, Philippines — Posibleng tumaas ng piso (P1.00) ang presyo ng tinapay kapag naaprubahan ang panukala ng Philippine Association of Flour Millers (PAFMIL) na itaas sa 20 porsyento ang buwis sa ini-import na Turkish flour.

Ayon kay Ernesto Chua, ang pinuno ng Malabon Longlife Trading Corporation, ang Turkish flour ang ginagamit ng mga panadero sa Pilipinas dahil mas mura ito kumpara sa lokal na harina.

Nagkakahalaga ng P600 hanggang P630 ang kada 25 kilograms ng soft flour mula sa Turkey, samantalang P730 hanggang P750 naman ang presyo ng local flour na ginagamit sa paggawa ng mga tinapay.

Mas mababa rin ng P200 ang Turkish hard flour sa halagang P700 hanggang P730 sa presyo ng local hard flour na P900 hanggang P920 na ginagamit naman sa paggawa ng noodle, biscuit at lumpia wrapper.

Kung papayagan ng Department of Agriculture (DA) ang petisyon ng mga flour miller, magpapantay na ang presyo ng imported at local flour na magreresulta sa pagtaas ng presyo ng tinapay.

Bukod sa tinapay, maaari ding tumaas ang presyo ng noodles, pasta, at iba pang ginagamitan ng Turkish flour. (Robbie Demelletes / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481