MANILA, Philippines – Inilathala ng Bureau of Immigration sa Facebook page nito na maaari nang makapasok ng bansa ang mga Hong Kong journalist na unang naging blacklisted noong June 6, 2014.
Pinatawan ng ban ang mga hong kong journalists dahil umano sa napaulat na pambabastos ng mga ito kay Pangulong Benigno Aquino III nang dumalo ito sa APEC Summit sa China noong 2013.
Subalit dahil sa rekomendasyon ng National Intelligence Coordinating Council o NICA, inalis na ang blacklist order laban sa mga banyagang mamamahayag dahil wala naman umanong masamang nangyari sa Pangulo noon. (UNTV News)