Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Inaalay Sa Iyo”, nanalong song of the week

$
0
0

(LEFT-RIGHT) Ang interpreter at composer ng “Inaalay Sa Iyo” na sina RJ Buena at Rolan Delfin. (Ace Espos / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Nagbunga ang halos isang taong pagtitiyaga upang ayusin ang kanyang obra ng nanalong “song of the week” sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival nitong nakaraang Linggo.

Labis na tuwa ang nadama ngayon ng baguhang composer na si Rolan Delfin sa natamong tagumpay ng kanyang komposisyon na “Inaalay Sa Iyo”.

“Sulit po ‘yung tagal ng panahon na ginawa ko sa kanta. Salamat sa Dios at sinamahan niya sa paggawa ng kanta at marami akong natutunan sa sinabi ng judges so ia-apply ko pa rin po ‘yung mga kino-comment nila sa’kin para lalo ko pong ma-improve,” saad ni Rolan.

Kaparehong tuwa rin ang nadama ng interpreter nito na isang singing champion na si RJ Buena.

Aniya, “Yung mismong lyrics kasi niya sakto siya sa pakiramdam ng buhay ko ngayon, very thankful. Kaya nung sabi na kakantahin ko siya, nasa puso ko na siya.”

ASOP participants (PHOTOVILLE International / Fred Alvior)

Nakatunggali ng “Inaalay Sa Iyo” ang mga awiting “I’ll Be Lost Without You” ni Rodolfo Villamartin Jr. sa rendisyon ng Kundiman singer na si Melbeline Caluag at ang “Panalanging ‘Di Mo Tinugon” ni Marvin Jay Torres sa interpretasyon naman ng Akafellas member na si Luke Dacles.

Magkakasama naman sa judge’s panel sina record producer Jimmy Antiporda, singer/actress Sheryl Cruz at Doctor Musiko Mon Del Rosario. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

ASOP Judges (PHOTOVILLE International / Marvin Pongos)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481