UNTV GEOWEATHER CENTER (11am, 11/25/14) – Nakataas ngayon ang alerto ng PAGASA sa ilang lugar sa bansa dahil sa magiging epekto ng Low Pressure Area (LPA).
Kaninang 4am ay namataan ito ng weather agency sa 315km sa Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Base sa forecast, hanggang sa malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa CARAGA, Northern Mindanao, Leyte at Bohol.
Babala ng PAGASA, posible itong magdulot ng mga pagbaha at landslide kaya’t dapat na maghanda at mag-ingat ang mga residente.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Bicol, Davao, and iba pang lugar ng Central at Eastern Visayas.
Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas din ng papulo-pulong pag-ulan, pag-kidlat at pag-kulog o thunderstorms.
Tinatayang dadaan sa Norther Mindanao-Visayas ang LPA at posible itong maging bagyo sa oras na makarating ito sa West Philippine sea paglabas sa Northern Palawan. (Rey Pelayo / UNTV News)
SUNRISE – 6.02am
SUNSET- 5.24pm
END