Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Recall elections sa Puerto Princesa, Palawan, ipinag-utos ng Korte Suprema

$
0
0

FILE PHOTO: Supreme Court en Banc (UNTV News)

MANILA, Philippines – Iniutos ngayon ng Korte Suprema sa Commission on Elections ang pagsasagawa ng recall elections sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sa botong 12-0, kinatigan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang petisyon ni Alroben Goh, ang dating Puerto Princesa City information officer, laban kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron dahil sa “loss of trust and confidence”.

Sa ilalim ng Resolution 9864 na inilabas noong Abril 1, 2014, kinatigan ang rekomendasyon ng Office of the Deputy Executive Director na “sufficient in form and substance” ang petisyon na inihain laban kay Bayron.

Subalit wala umanong sapat na pondo ang ahensya para sa recall elections.

Makalipas ang isang buwan, inilabas ang Resolution 9882 na nagsuspinde sa lahat ng recall proceedings hangga’t hindi pa nareresolba ang isyu sa kakulangan ng pondo na gagamitin sa recall elections.

Subalit ayon sa ruling ng Korte Suprema, posibleng may nilabag ang COMELEC sa paglalabas ng Resolutions 9864 at 9882.

Dagdag nito, may kakayahan ang COMELEC na gawin ang recall elections.

Paliwanag ng SC, may kapangyarihan si COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. na gawin ang augmentation ng pondo sa ibang line item appropriation.

Dahil dito, hindi na kailangan ang supplemental legislation para bigyang otoridad ang COMELEC na magsagawa ng recall elections.

Tumanggi namang magbigay ng komentaryo ang COMELEC sa naging desisyon ng Korte Suprema.

“Kailangan naming makita yung argumento ng Korte Suprema. Yung dahilan nya, kasi kami nag-forward din naman kami ng legal arguments so para malaman natin kung saan kami nagkamali. Titingnan muna namin yung desisyon,” saad ni COMELEC Spokesperson James Jimenez.

Ang naturang petisyon laban kay Bayron ay nilagdaan ng nasa 40-libong registered voters o halos 15% ng voting population ng Puerto Princesa City. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481